Usap-usapan ng mga netizen ang Instagram post ni Annabelle Rama patungkol sa kaniyang anak na si Richard Gutierrez at mga apong sina Zion at Kai.

Ibinida kasi ni Bisaya ang video clip ng bonding moments ng mag-aama sa isang swimming pool.

Batay raw dito, masasabing masayang-masaya naman ang mga apo sa poder ng kaniyang anak.

"Nakita nyu naman enjoy na enjoy mga bata with Richard. Tuwang tuwa si Zion at Kai, happing happi, kitang kita nyu na yan, hindi ko na kailangan sabihin," caption ni Annabelle.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Martes, Sept. 17

Naka-turn off ang comment section nito subalit makikita ang komento rito ng anak na si Ruffa Gutierrez.

"Summertime!!🤗🤗" aniya.

Kaugnay pa rin ito ng bali-balitang hiwalay na ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon mula sa kanilang dalawa.

Samantala, usap-usapan din naman ang pa-shade daw ni Sarah kay Annabelle nang mag-aya siyang mag-shopping sa mga netizen sa kaniyang TikTok video.

Matatandaang nagmula kay Annabelle ang pasaring na ang anak daw niya ay trabaho nang trabaho habang ang isa naman ay waldas at gastos nang gastos.

Dahil dito, binansagan tuloy siyang "Waldas Queen" at "Patron Saint of Shopping."

MAKI-BALITA: Sey mo Annabelle? Sarah, nag-ayang ‘magwaldas’ sa shopping

MAKI-BALITA: Unbothered? Sarah, binansagang ‘Waldas Queen’ at ‘Patron Saint of Shopping’