Sabi nga, "Bilog ang mundo" at ang "buhay ay weather-weather lang" (salamat, Kuya Kim!).

Pinatunayan iyan ng isang bagong misis na si Jayzelle Joy Oliver matapos mag-viral ang kaniyang Facebook post noong Biyernes, Enero 12, 2024.

Makikita sa kaniyang post ang dalawang larawan. Ang isa, noong "ninth wheel" siya sa mga kaibigang puro may boyfriend at siya lamang ang nag-iisang single.

Sa isa pang larawan, makikitang sila ang nakatanghod sa kanilang dalawa ng kaniyang mister mula sa kanilang kasal. Ang dating "9th wheel,' naunahan pang maikasal sa kaniyang mga kaibigan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

"PATUNAY NA BILOG ANG MUNDO 🤭🤣," ani Jayzelle sa kaniyang caption.

"Your 9th wheel girl is now married 💍👰🏻‍♀️❤️ Di pa huli ang lahat girls makakahabol pa kayo, tyaga lang tapos konting landi 🤣😂 Kilos kilos mga ante!! 🤭."

"Girls bakit parang kasalanan ko?🤣😅," pabiro pa niyang sabi.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Jayzelle, sinabi niyang dalawang taon silang naging magkasintahan ng kaniyang mister ngayon bago sila magdesisyong magpakasal.

Nag-iwan naman siya ng mensahe sa mga babaeng "third wheel" sa kanilang barkadahan o tropa, at hanggang ngayon ay patuloy pa ring hinahanap o hinihintay ang kanilang "The Right One."

"You may experience pain, heartbreaks and longing but trust me, those processes are worth it because God always reserved the best for you," aniya.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 54k reactions, 36k shares, at 8.1k comments ang nabanggit na viral post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!