Nagpalabas na rin ng show cause order ang ahensya kung saan pinagpapaliwanag ang RL Soft Corporations na may ari ng InDrive kung bakit hindi dapat suspendihin o bawiin ang ibinigay na accreditation nito bilang TNC.
Katwiran ng LCSP, nakikipagtawaran umano ng pamasahe ang Indrive partner drivers sa bawat booking na matatanggap ng mga ito sa application mismo ng nabanggit na TNC.
Binanggit ng LCSP, nangyayari pa rin ang nasabing ilegal na transaksyon kahit makikita na sa application ang nakatakdang pamasahe para sa isang partikular na booking.
Ang pagdinig sa usapin ay itinakda sa Enero 23, ayon pa sa LTFRB.