“A monster merger 💫”

Ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang larawan ng pagbabanggaan ng dalawang galaxies na nakuhanan ng kanilang Hubble Space Telescope.

Sa isang Instagram post, inihayag ng NASA na ilang daang milyon ang tinatagal ng banggaan ng mga galaxy.

“Galaxy collisions and mergers are dramatic events, but take place over the course of hundreds of millions of years,” anang NASA.

‘NGC 2392’ nebula, napitikan ng NASA

Ayon pa sa NASA, binubuo ang galaxies ng mga bituin at kanilang “solar systems, dust, gas, at invisible dark matter.”

“These components may experience enormous changes in the gravitational forces acting on them during a merger, and in time, this alters the structure of the galaxies involved,” saad nito.

“However, because of the extraordinarily large distances and timescales of mergers, stars and planets almost never literally crash into each other in these interactions,” dagdag pa ng NASA.

Kamakailan lamang, nagbahagi rin ang NASA ng larawan ng NGC 2392, isang nebula na matatagpuan daw sa layong 5,000 light-years mula sa Earth.