"It's not the place... I never really want to talk about my relationships..."

Nakangiti subalit ito ang naging sagot ng aktor na si Jericho Rosales matapos maurirat ng mga netizen patungkol sa tsika ng hiwalayan nila ng misis na si Kim Jones.

Una muna, natanong ng media people si Echo kung kumusta na ba siya.

Ibinida ng aktor na tapos na sila sa shooting nila ng "Sell Blocks." Aniya, mananatili siya sa Pilipinas para i-pursue ang kaniyang film acting at singing career.

Ahas na mas makamandag daw sa cobra, namataan sa baha sa CamSur

Nang mauntag na siya patungkol kay Kim, ang sagot ni Ecgo ay "Good! Great! Fantastic! Amazing!"

Hinggil naman sa breakup rumors, sinabi ni Echo na "No comment" at hindi iyon ang lugar para pag-usapan ang kaniyang love life.

Maya-maya ay umalis na si Echo upang maiwasan na ang follow-up questions ng media people.

Mapapanood ang panayam kay Echo sa ABS-CBN News gayundin sa YouTube channel ni Kiko Escuadro via Fashion Pulis.

MAKI-BALITA: Mag-asawang Jericho at Kim, pinuputakti ng mga marites