Nag-aalala ang mga netizen sa kapayatan ng beauty queen-actress na si Kylie Verzosa matapos niyang i-flex ang mga larawan niya habang nakabakasyon sa Amanpulo.

Makikita sa kaniyang Instagram post nitong Enero 13 ang ilan sa mga kuhang larawan niya habang nag-eenjoy sa kaniyang bakasyon sa nabanggit na isla.

"Hope you feel better, hug a tree 🌴😋," aniya sa kaniyang caption.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Makikita naman ang pagyakap niya sa isang puno roon na tinawag na "Tree of Hug."

Sa comment section ay bumaha naman ng pagkabahala para sa katawan ni Kylie, na anila ay super skinny na raw.

"What happen to your body😮. Naging subrang payat na."

"Not to bash but,for me I love and like the old Kylie back huhhuhu. .I mean yong parang Ang decent tingnan ba..."

"Bakit [sumobra] naman po ng payat ms kylie 😢😢."

"I love the Kylie in Miss International. Please dont get so thin. Anyways, it's only my opinion. It's your body not mine."

"Hala!sa@sobra ka payat na wala na ang puwet!but anyway babalik din n man kasi may belo to the rescue."

"Parang [buto] na katawan mo kylie."

"Buto't balat ka na huhuhu."

Sa kabilang banda, ilang netizens naman ang nagtanggol sa kaniya, na kamakailan lamang ay napanood sa pelikulang "Penduko" na pinagbidahan ni Matteo Guidicelli, na isa sa mga opisyal na kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival.

"@kylieverzosa stay fit babe. Le haters want you to get fat..."

"Sexy kaya. Knowing that she works out a lot and eats right, her body is better than most of us. Ikaw, are you taking care of your body?"

"Probably she eats well po at saka fish lang foods nya at veggies kaya maganda ang skin at body nya po."

"ang sexy kaya niya hahahahah te kung wala kang ganyang katawan manahimik kana lang parang pinapakita mo na insecure"

"why does being skinny is concerned imagine what kylie feels like if she this kind of comment in her comsec and those people are didn't know that kylie might have fast metabolism and why they're always treat skinny people like a disease.sadyang oa talaga sila nakakainis kaya yun imagined your Being confident about your body then there's haven this kind people in comsec her being skinny those people need stop."

Sa isang video clip ay sinabi naman ni Kylie na okay naman siya at pakiramdam naman niya ay healthy siya kaya walang dapat ipag-alala ang mga netizen.

Aktibo raw siya sa iba't ibang physical activities gaya ng pagji-gym, walking, biking, at iba pa. Isa pa, hindi na raw siya kumakain ng chicken, beef, at pork. Tinitiyak din niyang walong oras ang tulog niya.