Bumiyahe na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. patungong Brunei nitong Sabado ng gabi.

Sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), dadalo si Marcos sa kasal nina Royal Prince of Brunei, Prince Abdul Mateen at Yang Mulia Dayang Anisha Rosnah Binti Adam.

Si Marcos ay inimbitahan ni Sultan of Brunei, Hassanal Bolkiah.

National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Inaasahang makakasama ng Pangulo sa okasyon ang iba pang heads of state.

Ang pagdalo ng Pangulo sa royal wedding ay tanda ng malakas na bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at ng Brunei.

Babalik sa bansa ang Pangulo ngayong Linggo, Enero 14.