Ikinasal na si Kapuso actress Valeen Montenegro sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Riel Manuel.

Sa kaniyang Instagram stories nitong Sabado, Enero 13, makikitang ni-reshare niya ang mga larawan at video na kuha ng mga dumalo sa kasal niya.

Ayon sa ulat ng GMA News, ginanap ang kasalang Valeen at Riel sa Santuario de San Antonio Parish sa Makati.

Ilan sa mga kapuwa celebrity ni Valeen na dumalo sa nasabing seremonya ay sina Mavy Legaspi, Carla Abellana, Dasuri Choi,  Lovely Abella-Manalo, Chariz Solomon, at Michael V.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaang Nobyembre 2022 pa lang ay nag-alok na ng kasal si Riel kay Valeen. Walang pag-aalinlangan namang umoo ang aktres dahil matagal na rin naman daw niyang hinihintay mag-propose ang kaniyang jowa. 

MAKI-BALITA: Valeen Montenegro, ikakasal na sa kaniyang non-showbiz boyfriend

Congratulations, Valeen and Riel!