Naglabas ng pahayag si dating Senador Francisco “Kiko” Pangilinan kaugnay sa pagkatalaga kay Senador Ralph Recto bilang bagong kalihim ng Department of Finance (DOF) nitong Sabado, Enero 13.

Ayon kay Pangilinan, karapat-dapat para kay Recto ang nasabing posisyon dahil personal niyang nasaksihan ang pambihirang sipag nito sa pagbuo ng economic at financial policy.

“A well deserved appointment. I am witness to his extraordinary diligence in the field of economic and financial policy formulation,” pahayag ni Pangilinan sa X.

“When it comes to economic policy, he is a straight shooter and will call a spade a spade which is essential if the nation is to stay in tip top fiscal health given the strong headwinds headed our way,” aniya. 

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Dagdag pa niya: “He is most definitely an asset to any administration. I wish him all the best. On the personal level, I am proud to be his friend.”

Naging House Deputy Speaker muna sa House of Representatives si Recto bago niya tuluyang pinalitan si dating DOF Secretary Benjamin Diokno.

MAKI-BALITA: Recto, pinanumpa ni Marcos bilang DOF secretary