Pinahalagahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga nagawa ni dating Finance Secretary Benjamin Diokno sa Department of Finance (DOF) kasunod ng panunumpa ng bagong kalihim ng ahensya nitong Biyernes.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, binanggit ni Marcos na  noong nakaraang taon pa dapat magretiro si Diokno. Gayunman, aniya, nakiusap ang administrasyon na manatili muna ito, lalo’t kailangang maiayos sa tamang landas ang ekonomiya ng bansa, bagay na napagtagumpayan nito.

“He was due to retire the middle of last year, but we, I think we all ganged up on him and asked him, please continue as Department of Finance simply because we had to get the economy, we had to get our policies onto the right track, and he has done a splendid job as Secretary,” ani Marcos.

National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Binanggit ng punong ehekutibo na dahil miyembro na ng Monetary Board si Diokno, mananatili ang paghingi ng pamahalaan ng payo o expertise nito lalo’t isa rin si Diokno sa mga kinikilalang haligi ng economic management sa bansa.

“Being one of our country’s pillars of economic management, we shall continue to rely on your expertise and exuberance as a member now of the Monetary Board,” dagdag pa ng Pangulo.