Kinaaliwan ng maraming netizens ang pag-amin ni former Hashtags member Nikko Natividad tungkol sa pagpo-propose niya.

Sa Facebook account ni Nikko kamakailan, sinabi niya na laway lang daw ang puhunan niya nang alukin niya ng kasal ang kaniyang misis.

“Buti nalang hindi ako pinost ng misis ko nuon nung nag propose ako. Laway lang puhunan ko nung nagpropose,” saad ni Nikko.

Pero kahit gano’n, bumawi naman daw siya sa asawa niya matapos ang kanilang pag-iisang dibdib.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Isang umaatikabong kadyot ang binigay ko sakanya after wedding,” aniya sa isang hiwalay na Facebook post. 

Hindi naman napigilan ng mga netizen na magbigay ng kani-kanilang reaksiyon sa sinabing ito ni Nikko. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Ito ung bastos na nakakagigil yakapin.. Sarap nitong mahalin.. Sana all my Nikko seagal 😂 love you kua niks.”

“paano makaranas ng ganyan 😂🤣”

“nkakatakot ung umaatikabong kadyot🤣🤣🤣🤣🤣🤣”

“naka robust yarnnn 😁🤣”

“May pinay na naman ang hindi nakalakad ng 3 days 🎉😏”

“ang laswa at pasmado naman 😭”

“Sana all nakakadyot Kuys Nikko 🤣🤣🤣🤣”

“manas na sigoro after 😂😂😂”

“isaa ka talagang idolo”

“jusko Nikko 🤣”

Matatandaang naging hot topic kamakailan ang wedding proposal matapos kumalat ang isang Facebook post tungkol sa isang anonymous sender na tila dismayado sa jowang nagbigay sa kaniya ng ₱299 engagement ring.

MAKI-BALITA: Bebot dismayado sa jowa dahil sa ₱299 na engagement ring; inulan ng reaksiyon