Inamin ni social media personality Xian Gaza na ang isa raw sa mga pinagsisisihan niya sa buhay ay ang i-bash si “FPJ’s Batang Quiapo” star Ivana Alawi.

Sa Facebook post ni Xian nitong Huwebes, Enero 12, isiniwalat niya ang tungkol sa bagay na ito.

“One of my regrets in life is yung binash ko si Ivana Alawi. Pinagsisisihan ko na ang lahat. Sana'y magkaroon pa ng kapatawaran,” aniya.

Dagdag pa niya: “Kung ang Diyos ay marunong magpatawad, bakit hindi ang isang diyosa?”

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7

Matatandaang kamakailan lang ay nagpahayag si Xian ng saloobin sa ginawang pag-prank ni Marian Rivera kay Ivana.

Ayon sa kaniya, hindi raw siya kumbinsidong na-prank ni Marian si Ivana dahil alam niya ang kalakaran ng prank content.

MAKI-BALITA: Xian Gaza, ‘di kumbinsidong na-prank si Ivana: ‘Tanga lang maniniwala dyan’

Hindi naman binanggit ni Xian kung bakit bigla siyang nagsising binash niya ang aktres.