Nilinaw ng kakakasal pa lamang na si Kapamilya TV host Robi Domingo na walang namamagitan sa pagitan nina Donny Pangilinan at Kathryn Bernardo.

Imbitado ang dalawa sa kanilang kasal ni Maiqui Pineda kamakailan, at pareho ring may ginampanan sa seremonya.

Inintriga ng isang netizen kung "brewing something" ba sa pagitan nina Donny Pangilinan at Kathryn Bernardo dahil sa isang videong kumakalat sa social media.

Makikita kasing nasa isang party ang dalawa dahil sumasayaw si Kathryn kasama pa ang isang babae.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Batay sa kaniyang suot, ang nabanggit na party ay sa reception ng kasal ng kaibigang si Robi Domingo sa ngayo'y misis na si Maiqui Pineda.

Si Kathryn ay isa sa candle bearer sa kasal kasama ang ex-boyfriend na si Daniel Padilla.

Kabilang sa mga imbitado sa kasal at nagkaroon ng partisipasyon sa seremonya ay si "Can't Buy Me Love" star Donny Pangilinan.

Sa video, makikitang nilapitan ni Donny si Kathryn para ayaing magsayaw.

"Minalisya" naman ito ng isang user sa X at kinomentuhan, "hi @donnypangilinan ganto ka pala pag interested ka sa babae."

https://twitter.com/Decimal_iii/status/1744169368832073745

Nakarating ito naman ito sa kaalaman ni Donny at sinabi niya sa isang panayam na walang malisya ang sayaw na iyon dahil magkakaibigan sila, partikular ni Kathryn.

Pati nga si Robi ay nakialam na rin at nilinaw na walang isyung dapat gawin sa sayaw na iyon. Niretweet ni Robi ang X post ng "intrigerang" netizen. Pinasalamatan niya rin sina Donny at isa pang kaibigan at groomsmen na si Darren Espanto dahil sa pagtulong nila sa kaniyang kasal.

"Just for the record: we're all friends here. We've got each other's backs. No issues, please. 🫰🏻," ani Robi.

"Also, being the groomsmen, @donnypangilinan and @Espanto2001 helped us out in taking care of all of the guests. ❤️."

https://twitter.com/robertmarion/status/1745111683583074497

MAKI-BALITA: Video clip, kalat na: Donny nili-link kay Kathryn