Usap-usapan sa TikTok ang kumakalat na video ng Kapuso actress na si Kylie Padilla na naispatang may kasamang lalaki habang nagsha-shopping.

Makikita sa TikTok video ng isang user na nagngangalang "Ivhet Gonzales" ang video ni Kylie habang papalabas ng isang store, kasama ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng puting shirt.

Mapapansing long-haired ang lalaki na nakatali lamang at may mga tattoo sa kanang braso. May suot din itong hikaw sa magkabilang tenga.

Doc Willie Ong, na-touch sa mensahe ni VP Sara sa kaniya

Sa comment section, nagbigay ng espekulasyon ang mga netizen kung sino ang kasamang lalaki ni Kylie.

May mga nagsabing baka gym coach o kaibigan niya lamang ito.

Subalit may ilang nagsabing ito ang lalaking nagpapatibok ngayon sa puso ng estranged wife ni Aljur Abrenica, na flinex na niya noon sa Instagram bilang travel buddy niya.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"DESERVEEEEEE🥰"

"I think 'yan 'yong gym coach niya..."

"OMG"

"Yasss tru 😭 I saw them in kikufuji restaurant last year

"gusto ko din po ng long hair at may tattoo saka matangkad Lord 🙏🙏😅"

"Lakas ng dating with the tattoos pa"

"Ang hot nung new one nya huuuy!!"

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Kylie tungkol dito.