Nag-aaway-away sa social media ang mga tagahanga at tagasuporta nina Kathryn Bernardo at Liza Soberano.

Ito ay matapos mapabalitang inunfollow ni Kathryn si Liza nang tila magsagawa ito ng "cleansing" sa kaniyang Instagram account.

Hindi lang si Liza ang napansin ng mga netizen na inunfollow ni Kath kundi maging si Star Magic artist Gillian Vicencio, at Julia Barretto.

Bukod dito, inunfollow na rin ni Kath ang ex-boyfriend at katambal na si Daniel Padilla, halos isang buwan at mahigit matapos ang kumpirmasyon ng kanilang hiwalayan.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Palaisipan sa mga netizen kung may isyu ba sina Kathryn at Liza (gayundin kay Julia) para mag-resort ang una sa pag-unfollow sa kanila.

Kaya naman tila nagtatalo-talo ngayon ang mga tagahanga ng dalawang big stars sa X.

May mga nagsasabing nauna naman daw mag-unfollow si Liza kay Kath, sa kasagsagan noon ng pagsasabi nitong sa kanila ni Enrique Gil unang inoffer ang successful movie na "Hello, Love, Goodbye" na kinailangan nilang bitiwan dahil naghahanda si Liza sa "Darna" noon.

Lumabas kasi na parang "bitter" daw si Liza dahil sa hindi inaasahang tagumpay ng pelikula na napunta nga sa KathNiel, subalit ang huling desisyon ay ipinareha si Kathryn kay Asia's Multimedia Star at Kapuso Star Alden Richards. Ito ngayon ang may hawak ng titulo bilang "highest-grossing Filipino movie of all-time" matapos kumita ng mahigit ₱800M sa takilya noong 2019.

Samantala, narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Si Liza diretso magsalita hindi dinadaan sa galawan para maging delulu ang fans at magtahi ng kwento jusko galawan ni Kathryn patalikod eh. Magsalita ka dahil ang mga fans mo kung ano ano ang sinasabi 🙄."

"Knowing my girl Liza Soberano, she’s brave enough to defy everything that pesters her so I’m pretty sure she’ll debunk anything that will ever be an issue regarding this petty thing."

"actually understandable naman na inunfollow niya sina liza and julia since she's not close to both, but people trying to make an issue about is just so weird and nakakirita."

"Nung inunfollow ni Liza ingrata Soberano si Kathryn Bernardo dahil nagrebranding si gaga may narining ba kayo sa amin??? WALA. NGANGA. Pero nung si Kathryn Bernardo na nagunfollow kay Liza Ingrata Soberano dami niyo dada. YOU ARE THE BIGGEST PICTURE AS ALWAYS @bernardokath."

"di naman close/friends si liza and kath ever since. dont see why people are hating on liza bec of this. pwedeng this year, gusto lang ni kath na mga taong close nya talaga yung finofollow niya, pwedeng yun muna? super oa lang nung involved agad si liza sa breakup."

"KB unfollowing LS is not the problem, but some of KB's fans that trying to drag L's name to kathniel's breakup or cheating issue. Fans lang naman lagi nagbibigay ng speculations sa bawat galaw ng mga artista, toxic and delulu af."

Samantala, wala pang reaksiyon o pahayag ang kampo nina Kathryn at Liza tungkol sa isyung ito.