Tila na-sad naman ang showbiz insider na si Ogie Diaz para sa aktres na si Barbie Imperial na lagi na lang nali-link sa mga lalaki, taga-showbiz man o non-showbiz.

Matatandaang bago pa man pumutok ang hiwalayang KathNiel ay na-link na rin si Barbie kay Daniel Padilla.

Pagkatapos naman ay pinag-usapan din ang hiwalayan nila ni Diego Loyzaga.

At nito ngang huli, na-link si Barbie kay Richard Gutierrez matapos silang maispatang magkasama sa isang gastropub sa Alabang.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Parang unfair naman daw iyon kay Barbie dahil tila nagkaka-double standard ang tingin ng mga tao kapag kagaya niyang "bata" at "maganda" ang kasama ng isang lalaki.

Napag-usapan nila si Barbie matapos nilang pag-usapan ang kamakailan lamang na intrigang kumalat sa social media nang mamataan nga silang magkasama ni Richard, na tikom pa rin ang bibig sa hiwalayan nila ng misis na si Sarah Lahbati.

Ngunit ayon sa ispluk ng source ni Ogie na malapit kay Richard, walang kahit na anong malisya or "brewing something" sa pagitan ng dalawa.

Lingid daw sa kaalaman ng lahat, si Barbie ay isa sa stockholders ng nabanggit na gastropub, at nagkataong bilang may-ari ay inestima niya si Richard na kaibigan din naman ang iba pa niyang kasosyo sa negosyo.

Ilang minuto lang daw nagkausap sina Barbie at Richard subalit naging mabilis na kaagad ang mga nakakita sa kanila sa pagkuha ng video at pagpapakalat nito sa social media.

Kaya mula mismo sa source ni Ogie, walang anumang malisya o relasyon sa pagitan nina Richard at Barbie.

Sa palagay ni Ogie, mainit ngayon ang mga mata ng tao kay Richard sa kung sinumang babae ang makitang kasama niya, hindi lamang si Barbie, kundi maging sa iba pa kung sakali.

Kaya naman medyo naaawa na si Ogie kay Barbie dahil nagkakaroon tuloy ng image ito na parang "play girl."

Paano naman kaya kung maispatan si Richard na may kasamang medyo may edad na, kagaya halimbawa ni Nova Villa, ganoon din ba raw ang maiisip ng mga marites?

Hindi rin naman daw maaalis kay Richard na hindi umalis ng bahay at mag-hang-out dahil hanggang ngayon daw ay nalulungkot pa rin ito sa sinapit ng relasyon nila ng asawa.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz may isiniwalat tungkol kina Richard Gutierrez at Barbie Imperial