Nagbanta ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na huhulihin na ang mga public utility vehicle (PUV) driver na hindi nag-consolidate ng prangkisa nitong Disyembre 31.

Ikinatwiran ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III sa pulong balitaan, bibigyan muna nilla ng show cause order ang mga ito mula Enero 1-31.

Pagsapit ng Pebrero 1, uumpisahan na ng ahensya ang paghuli sa mga PUV na hindi kasama sa consolidation.

National

‘Julian,’ mas lumakas pa; Signal No. 3, itinaas na

Nasa 38,000 PUVs na hindi kabilang sa nag-consolidate ang inaasahang maapektuhan ng hakbang ng ahensya.

Paglilinaw pa ni Guadiz, binibigyan pa nila ng pagkakataon ang mga operator at driver ng PUV na sumali sa mga kooperatiba upang muling makabiyahe.

Nangako rin ng ayuda ang LTFRB para sa mga maaapektuhan ng PUV Modernization Program.