Naloka ang mga netizen nang mapag-alamang bukod sa ex-jowang si Daniel Padilla, inunfollow rin ni Asia's Outstanding Star at Kapamilya Star Kathryn Bernardo sina Liza Soberano, Gillian Vicencio, at Julia Barretto.

Napapaisip tuloy ang mga netizen kung bahagi lang ito ng "moving forward" ni Kath o sadyang naglilinis lang siya ng following list.

Photo courtesy: Screenshot from Kathryn Bernardo (IG)

Photo courtesy: Screenshot from Kathryn Bernardo (IG)

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Photo courtesy: Screenshot from Kathryn Bernardo (IG)

Kung si Gillian, matatandaang naugnay ang una sa isyu ng hiwalayan nila ni Daniel, bagay na nilinaw naman kaagad ni Gillian. Aniya, huwag daw sana siyang idamay sa intriga dahil wala siyang kinalaman dito.

Ngunit ang pinagtataka pa ng netizens, bakit pati sina Liza Soberano at Julia Barretto ay inetsa-puwera na rin ni Kath?

Pero kasi ang tanong din dito, naka-follow nga ba si Kathryn sa Instagram accounts ng dalawa? Kung totoong inunfollow man, ano ang intensyon at may isyu ba?

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens tungkol sa isyu.

"Hahahaha ang daming nadagit BWAHAHAHA"

"Baka bet niya 0 following na haha."

"Kawawang Kathryn. Pero at least natauhan."

"Too big for everyone else?"

"Yessss, slay girl!"

May mga netizen pang nagsabi na "ending careers" na raw sa mga nabanggit na kapwa celebrity na inunfollow niya.

"i love kath but ang oa ng ending careers 😭 liza and julia are both thriving tf u mean 😭 stop putting women against eo omg it's 2024 like be serious."

"Naunang nag-unfollow si Liza kay Kath. At hindi naman sila close friends para mag-followhan sila."

"Didn't Liza unfollow Kath amidst HLG casting issue and labeled it 'rebranding'? Nobody bat an eye. But now, it's a problem? Hmmmmm."

Matatandaang nauna nang inunfollow ni Kathryn ang pinakanakakaladkad sa kanilang hiwalayan ni Daniel na si "Senior High" Star Andrea Brillantes.

MAKI-BALITA: Andrea inunfollow na rin si Kathryn, pero naka-follow kay Daniel

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, inunfollow si Andrea Brillantes sa IG?

MAKI-BALITA: Moving forward na talaga! Kath, inunfollow na si Deej

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang tatlong celebs na inunfollow ni Kathryn.