Todo-tanggi si Leyte 4th District Rep. Richard Gomez sa kumalat na impormasyong inalok ng tig-₱20 milyon ang mga kongresista upang masimulan ang pagpapapirma sa People's Initiative kaugnay ng isinusulong na Charter Change (Cha-Cha).

Sa isang radio interview, binigyang-diin ni Gomez na hindi sila kailangang bayaran pagdating sa pag-amyenda ng Saligang Batas, lalo na kung layunin nitong mapabuti ang ekonomiya at buhay ng mga Pinoy.

Handa aniya siyang manguna sa Cha-Cha sakaling atasan upang mas makahikayat pa ng foreign investment at maisaayos ang bureaucratic process upang mas maging business-friendly ang Pilipinas.

National

‘Julian,’ mas lumakas pa; Signal No. 3, itinaas na

Bukod aniya sa itinutulak na Cha-Cha, dapat ding matalakay ang ilang usapin, katulad ng political dynasty, korapsyon, at pagprotekta sa karapatang-pantao. 

Sa ilalim ng batas, kailangan lamang ang pirma ng 12 porsyento ng kabuuang botante sa bansa at tatlong porsyentong lagda ng registered voters sa bawat distrito upang maisulong ang petisyon na nagsasaad ng partikular na probisyon sa Konstitusyon na nais na palitan.