Isang open letter ang ibinahagi ni social media personality Rendon Labador para kay Filipino-American comedian Jo Koy.

Sa Facebook post ni Rendon nitong Miyerkules, Enero 10, sinabi niyang hindi raw dapat nagdahilan pa si Jo Koy na maikli ang panahong ibinigay sa kaniya para maghanda bilang host sa ginanap na Golden Globe Awards.

“Ang tanga talaga ni Jokoy at sobrang hina, hindi lumaban. Dapat hindi na nagdahilan na 10 days lang at hindi na dapat nanisi ng ibang writers niya dahil sa kapalpakan niya. Dapat ginamit niya yung ‘attention’ na nakuha niya para ipakilala yung totoong sarili niya at hindi yung nag-’drama’ at ‘nanisi pa ng iba’,” saad ni Rendon.

Wala raw siyang pakialam kung sampung araw lang ang ibinigay kay Jo Koy para paghandaan ang hosting ng nasabing awarding ceremony dahil tinanggap naman daw ng komedyante ang alok. 

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

Ibig sabihin, kung tinanggap ni Jo Koy ang trabaho sa kabila ng maikling panahon ng paghahanda, handa siya sa anomang consequences na pwedeng mangyari. Hindi dapat siya gumawa ng anomang dahilan at manisi ng iba.

“Dapat ang ginawa mo, sinabi mo sa buong mundo na binigay mo ang best mo at nagpakatotoo ka lang sa ginawa mo. WALANG IBANG WRITER na masisisi at ikaw lang lahat yun. LEARN TO BE ACCOUNTABLE SA LAHAT NG GAGAWIN MO SA BUHAY MO,” aniya.

Dagdag pa niya: “Na-pressure ka lang at na bash ka parang umatras na yung bayag mo. Hindi ka man lang lumaban, pa-drama drama ka pa diyan.” 

Sa huli, pinayuhan ni Rendon si Jo Koy na huwag daw nitong intindihin kung matatanggap ba ng ibang tao o hindi ang ginagawa nito.

“Huwag mong expect na magugustuhan ka ng mga tao sa paligid mo. Sana maintindihan mo ‘yan kasi nasa sitwasyon ka ngayon na MAKE IT OR BREAK IT,” pahabol niya.

Matatandaang isa sa mga napuntirya ng joke ni Jo Koy sa Golden Globe Awards kamakailan ay si multi-Grammy award-winning American singer at songwriter Taylor Swift.

MAKI-BALITA: Taylor Swift, ‘di natuwa sa hirit na joke ni Jo Koy?

Dahil dito, lumamon ang komedyante ng mga masasamang salita mula sa mga netizen. Sa katunayan, nasaktan daw siya sa mga basher.

MAKI-BALITA: Jo Koy, nasaktan sa mga basher: ‘It’s a tough gig’