Aliw ang pambubuking ni Kapuso star Bea Alonzo sa kaniyang fiancé na si Dominic Roque tungkol sa nakita niya sa TV nito.

Ayon kay Bea, nakita niyang may Vivamax app si Dom bagay na ikinawindang niya.

Guest kasi si Bea sa vlog ni Kapamilya TV host Luis Manzano na mapapanood sa "Luis Listens" at kagaya ng ginagawa ni Bea sa mga guest naman niya sa sariling YouTube channel, sumalang din siya sa lie detector test.

Napunta ang usapan doon nang matanong ni Luis si Bea kung nakapanood na ba siya ng content sa Vivamax.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Sagot ni Bea, hindi pa raw, pero naibuking niyang nakita niyang may Vivamax app si Dominic.

"Hindi pa ako nakapanood. Pero may Vivamax si Dom na app, sabi ko 'Bakit may Vivamax ka?'"

Tawang-tawang sabi ni Luis, "Baka na-download lang!"

"Meron talaga siya, sabi niya susupport daw niya si Marco Gumabao doon sa movie niya with Kylie Verzosa. Dapat ba magalit ako?" sundot pa ni Bea.

Pabirong sey naman ni Luis kay Dominic, "Okay Dom. Support lang nang support kay Marco!"

Paglilinaw ni Bea na nakita niya ito sa LCD TV ni Dom.

"'Di ba sa TV maraming streaming apps. Like, meron siyang Disney, meron siyang Netflix, meron siyang Viu, tapos kasama 'yong Vivamax, sabi ko 'Bakit may Vivamax ka diyan?" sey ni Bea.

Ang Vivamax ay isang online streaming app under Viva kung saan mapapanood ang mga "adult-related contents."