Pinatutsadahan ng social media personality na si Rendon Labador ang TV personality na si Gretchen Ho matapos nitong magpahayag tungkol sa Filipino-American comedian na si Jo Koy.

Ibinahagi ni Rendon sa kaniyang Facebook account ang ulat ng Balita tungkol kay Gretchen.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Kung ikaw Gretchen ang mabibigyan ng offer, hindi ka aabot kasi 10 days lang ang preparation. 'Di ba antagal mong mag-research, hindi ka aabot. Ang hinahanap nila yung MAGPO-POST AGAD O MAGSASALITA AGAD 'yung mabilis mag-isip,” sey niya.

“Napanuod nila yung interview mo sa'kin, sabi mo nagre-research ka muna bago ka mag-post. Medyo alanganin daw 'yun. Next time raw kapag 1 year prep puwede ka nila i-consider,” dagdag pa niya.

Matatandaan na nag-post si Gretchen sa X (dating Twitter) tungkol sa pagho-host ni Jo Koy sa 2024 Golden Globe Awards kamakailan.

“Hosts are always, always responsible for their scripts. Whether it’s your own or not, at the end of the day, it’s your face and career on the line. This was such a huge stage, and a wasted opportunity,” sey ni Gretchen.

Maki-Balita: Gretchen Ho sa pag-host ni Jo Koy: ‘A wasted opportunity’