Inamin ng Kapuso star na si Bea Alonzo na pagdating sa pagmamahal, obvious daw na all-out siya kung magbigay, saad niya sa "Luis Listens" ng Kapamilya TV host na si Luis Manzano.

"Si Bea ba ay all-out pagdating sa pagmamahal?" tanong ni Luis sa nakasalang sa "lie detector test" ng aktres.

"Obvious ba? Oo (Truth).

Sundot naman ni Luis, ang klase raw ba ng pagka-all-out ay ang cliche na sinasabing wala nang tinitira para sa sarili?

National

Rep. Acidre, hinamon si Roque na tulungan OFWs na naaresto sa Qatar

Sagot ni Bea, "Dati. Ngayon, nagtitira na 'ko.

"Ano ang nagpa-realization sa 'yo na dapat talaga magtira?" untag pa ni Luis.

"Nasaktan ako nang sobra-sobra, so 'yon talaga. Ayoko nang umulit nang gano'n," pakli naman ni Bea.

Nang tanungin naman siya ni Luis kung paano siya nag-cope sa sakit na naramdaman, naikuwento na lang ni Bea na sa peak daw ng kaniyang pinagdaraanan ay bigla na lang siyang napaiyak habang nagji-gym.

Matatandaang isa sa mga talagang pinag-usapan sa usaping pag-ibig ni Bea ay ang hiwalayan nila ni Kapamilya star Gerald Anderson.