“Bittersweet.”

Inihayag ni TV host Robi Domingo ang kaniyang pagdadalamhati dahil sa naging pagpanaw ng kaniyang lola sa araw mismo ng kaniyang kasal noong Sabado, Enero 6.

Sa kaniyang Instagram post nitong Martes, Enero 9, nagbahagi si Robi ng isang throwback photo kasama ang kaniyang lola at isang larawan kung saan kasama niya ang kaniyang asawang si Maiqui Pineda habang nasa burol nito.

“Bittersweet. January 6 was the happiest day of my life. My heart was filled with immense gratitude -from preps in the morning, to the ceremony, to the reception which lasted until dawn.

Robi Domingo at Maiqui Pineda, mag-asawa na

“As I was about to leave the place, my mom was sobbing as she tried to tell me that my Lola passed away that same morning. Apparently, my family didn't tell us so that our focus was our magical day,” ani Robi sa kaniyang post.

Sinariwa rin ng TV host ang masasayang alaala niya sa kaniyang lola, katulad na lamang ng pag-aalaga sa kaniya nito noong bata pa lamang siya.

“‘Ina’, as I fondly called her, took care of me especially when I was a toddler. I loved how she made her ube halaya and Leche flan sa llanera,” pagbabalik-tanaw ni Robi.

“Rest in peace, ina. Please look after us together with ama. Thank you, and we love you ❤️,” dagdag pa niya.

Samantala, sa comment section ng kaniyang post ay nagbigay rin ng mensahe si Robi sa lahat ng mga dumalo at nagpaabot ng pagbati sa araw ng kanilang kasal ni Maiqui.

“We wanted to thank a lot of people during the wedding but it has been a rollercoaster ride for us these past few days. Our hearts are happy, but we apologize for the delay. We'll just take a breather from all the happenings 🙏🏼,” saad ni Robi.

Kaugnay na Balita: