Hinikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na PCSO outlets sa kanilang lugar o di kaya ay gamitin ang kanilang e-lotto, at tumaya na sa kanilang paboritong lotto games.

Batay kasi sa jackpot estimates ng PCSO, aabot na sa ₱638 milyon ang jackpot prize ng GrandLotto 6/55 na bobolahin dakong alas-9:00 ng gabi ngayong Miyerkules, Enero 10, 2024.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa PCSO, walang pinalad na manalo sa ₱622,896,835.60 na jackpot prize sa GrandLotto 6/55 na may winning combination na 08-18-24-17-28-04 kaya’t inaasahan nang madaragdagan pa naturang papremyo at aabot na sa P638 milyon.

Samantala, nakatakda ring bolahing muli ngayong Miyerkules ang MegaLotto 6/45 na may jackpot prize naman na ₱8.9 milyon.

Una nang pinaghatian ng dalawang lucky bettors ang ₱121.8 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 nitong Monday draw.

Ang GrandLotto 6/55 ay binobola naman tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado habang ang MegaLotto 6/45 ay binubola naman tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.