Paghahatian ng dalawang mamanaya ang mahigit ₱121.8 milyong napanalunan sa 6/45 Mega Lotto draw nitong Lunes, dakong 9:00 ng gabi.

Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang winning combination na 09-07-29-28-11-18 ay nahulaan ng dalawang bettor.

Pinayuhan ng PCSO ang dalawang bagong milyonaryo na magtungo na lamang sa main office ng ahensya sa Mandaluyong City upang kubrahin ang kanilang panalo.

National

‘Julian,’ mas lumakas pa; Signal No. 3, itinaas na

Kaugnay nito, wala namang nagwagi sa isa pang draw ng 6/55 Grand Lotto na may nakalaang premyong aabot sa  ₱622.8 milyon.