Paghahatian ng dalawang lucky bettors ang ₱121.8 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon sa PCSO, matagumpay na nahulaan ng mga lucky bettors ang six-digit winning combination na 09-07-29-28-11-18 ng MegaLotto 6/45 na binola nitong Lunes ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dahil dito, paghahatian nila ang katumbas nitong jackpot prize na tumataginting na ₱121,816,502.40 at makapag-uuwi ng tig-₱60,908,251.20 na jackpot share.

Anang PCSO, nabili ng mga lucky bettors ang kanilang winning tickets sa Sto. Rosario St., Palm Drive, Buhangin, Davao City at Lianas Mutya ng Pasig Mall, sa Pasig City.

Pinayuhan naman ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang mga lucky winners na upang makubra ang kanilang premyo na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magprisinta ng tig-dalawang balidong IDs at ang kanilang lucky tickets.

Nagpaalala rin naman si Robles na ang lahat ng premyong lampas sa P10,000 ay papatawan ng 20% tax, alinsunod sa TRAIN Law.

Ang lahat ng premyong hindi makukubra mula sa petsa ng pagbola dito ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.

Muli ring hinikayat ni Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga PCSO games, partikular na ang lotto, upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo, ay makatulong pa sa mga kababayan nating nangangailangan.

Ang MegaLotto 6/45 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.