Parang pressured daw ngayon ang “Tahanang Pinakamasaya” host na si Paolo Contis, sey ni Lolit Solis.

Ani Lolit, parang pressured daw si Paolo dahil sa nangyayari sa pag-aagawan umano ng titulong “Eat Bulaga.”

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

“Kaloka si Paolo Contis, Salve. Parang pressured siya sa nangyayari sa Eat Bulaga dahil nga sa titulo na parang pinag aagawan. Kahit ano pa ipalit na title hindi na mababago na natatak narin iyon Eat Bulaga sa dalawang programa,” sey niya sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, Enero 7.

“Pag itatanong mo ano pinanuod, ‘ang Eat Bulaga sa GMA o Eat Bulaga sa TV5’ iyon lang maririnig mo,” dagdag pa niya.

Puri pa ni Lolit, malaki raw ang nagawa ng noontime show kay Paolo dahil naging malakas ang energy umano nito at nagkaroon ng disiplinang gumising nang maaga.

“Malaki ang nagawa ng noontime show kay Paolo Contis. Iyon premium niya as a host parang naging sinlaki ng TVJ. Naging malakas ang energy niya, nagkaruon ng disiplina na gumising ng maaga, at financially very stable siya dahil sa additional income niya,” aniya.

Naging healthy rin daw ang competition sa pagitan ng tatlong noontime show—Tahanang Pinakamasaya, Eat Bulaga, at It’s Showtime. Ngayon daw ay pagalingan na lamang ang mga ito ng production numbers at pag-imbita ng mga guest.

“Saka naging mas healthy ang competion ng maging 3 ang noontime program. Now pagalingan sila ng production numbers, inviting of guests, at medyo binabawasan na ang pag absent ng mga main hosts. Magandang tatlo sila na pinagpipilian ng mga TV addict na tulad ko.

“Ngayon 2024 mas pipilitin pa ng mga noontime shows na ma attract ang viewers. Promise ng mas magandang show pa ang ihahandog nila. Kaya nga mas matindi pa ang magiging laban. Bongga."

Matatandaang noong Sabado, Enero 6, nagbago na ng pangalan ang noontime show ng TAPE, Inc. na umeere sa GMA Network tuwing tanghali.

“Tahanang Pinakamasaya” na ang pangalan nila at hindi na nila puwedeng gamitin ang titulo at trademark na “Eat Bulaga!” pati na ang theme song nito.

Maki-Balita: ‘Eat Bulaga’ ng TAPE sumuko na, nagbago na ng pangalan

Matapos ang pagpapalit ng pangalan ng “Eat Bulaga!” sa “Tahanang Pinakamasaya” ng TAPE, Inc. at GMA Network, at paggamit na ng “EAT… Bulaga!” ng TVJ sa TV5, binalikan ng mga netizen si Paolo.

Si Paolo kasi ang tila naging “spokesperson” ng management noong Disyembre 6 para sabihin sa mga manonood na hindi pa tapos at mahaba pa ang laban kaugnay ng issue sa copyright at trademark ng pinag-aawayang titulo, logo, at theme song ng noontime show.

Maki-Balita: Paolo Contis kinantiyawan dahil sa panalo ng TVJ sa Eat Bulaga