Iniutos ng Land Transportation Office (LTO) na paigtingin pa ang paghuli sa mga overloaded truck dahil nagdudulot ito ng panganib sa kalsada.

Ipinaliwanag ni LTO chief, Vigor Mendoza II, inatasan na nito ang mga regional director ng ahensya upang ipatupad ang naturang hakbang.

Madalas aniyang pinagmumulan ng aksidente ang mga truck na punung-puno ng karga na nagreresulta sa pagkasawi ng mga gumagamit ng kalsada.

“Based on the complaints that we have been receiving, overloaded trucks also contribute to road and bridge damage which eventually result in additional expenses for the national government for repairs,” ani Mendoza.

National

‘Julian,’ mas lumakas pa; Signal No. 3, itinaas na

“We need to seriously run after them because more than the damage to roads and bridges, they also threaten the safety of all road users,” dagdag pa ng opisyal.

Sa datos ng LTO, nasa ₱42.7 milyon ang naging multa ng mga overloaded na sasakyan, lalo na sa mga truck at trailer.

PNA