Isang malaking blessing para kay Kapuso actor Mikael Daez ang Enero 6 dahil bukod sa birthday na niya, anniversary din nila ito ng asawang si Megan Young.

Sa Instagram account ni Megan, nagbahagi siya ng kilig-to-the-bones na mensahe para kay Mikael kalakip ang kanilang mga larawan.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

View this post on Instagram

A post shared by Megan Young (@meganbata)

“Happy happy birthday to my forever 🤍 and happy anniversary to us 🥹 13 years so far of growing old together,” saad ni Megan.

“The past year we’ve had many wonderful blessings and challenges along the way but I’m grateful that I always have you by my side. I’m grateful that we are always learning together,” aniya.

Dagdag pa ni Megan: “ I’m grateful that we are experiencing life together 😍 Cheers to another year of life!!! 🥰”

Binati rin naman ni Mikael si Megan sa kaniyang Instagram account. Pero unlike Megan na medyo seryoso, idinaan ng aktor sa kuwela ang approach ng kaniyang mensahe.

“Happy anniversary Boneezy! We’ve been together so long, we don’t know the exact time anymore 😅” ani Mikael.

“You just mentioned 13 years in your post pero sa bilang ko 14 years. Sabayan na lang kita sa gusto mo 🤣❤️” saad pa niya.

Samantala, nagpaabot din ng mensahe ang kanilang mga kasamahan sa showbiz industry gaya nina Carla Abellana, Lianne Valentin, at Shaira Diaz.