Marami ang nagsasabing ang kapamilya actress na si Maris Racal na raw ang "RomCom Princess" ng ABS-CBN ngayon na siyang papalit sa trono nina Toni Gonzaga at Angelica Panganiban.

Ang pahayag na iyan ay mula mismo sa direktor, aktor, at scriptwriter na si John Lapus sa isang pahayag niya sa isang mediacon.

Marami ang pumupuri ngayon kay Maris dahil sa mahusay na pagganap niya bilang "Irene Tiu" sa teleseryeng "Can't Buy Me Love" (CMBL) na kauna-unahang teleserye sa Primetime Bida nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, o mas sikat sa tambalang "DonBelle."

At bagay na bagay raw ang tambalan nila ni Anthony Jennings kaya marami ang nagsasabing dapat ay bigyan sila ng bukod na serye pagkatapos ng CBML.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Patok din sa social media ang posts ni Maris at kadalasan ding ginagamit siya sa iba't ibang memes.

May mga netizen naman ang nagsasabing tila "na-outshine" ni Maris ang mismong DonBelle sa sarili nilang serye.

Kaya hindi maiwasang magtalo-talo ang fans nina Maris at Belle Mariano sa social media.

MAKI-BALITA: ‘Sapaw sa DonBelle?’ Chemistry nina Maris at Anthony, bet ng netizens

Isang netizen daw na tila fan ng DonBelle ang nagkomento pa sa isa mga post ni Maris na nakikisakay lang siya sa kasikatan ng DonBelle.

"Nadikit ka lang sa DonBelle, umarte ka na ng ganyan! Wait mo matapos series, if san ka pulutin. Arte arte mo wala sa lugar. Feeling BIDA yarn?! DonBelle is DonBelle after the series. Let's see if kaya mo sabayan yung solid and laki ng Fandom/Fanbase nila. Para kang langaw na nakatuntong sa kalabaw. Nakikisakay ka lang. Gets mo?! Ay Irene Tiu pa ba toh or Maris Racal na?!"

Simpleng sagot daw ni Maris sa netizen, "omg naging thankful lang ako. sorry (sad react)."

Samantala, wala pang pahayag ang DonBelle patungkol sa pagsasabong sa kanila kina Maris at Anthony.