Pinaiimbestigahan na ang isang junior officer ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa walang ingat na pagmamaneho ng motorsiklo sa South Luzon Expressway (SLEX) kamakailan.

Sinabi ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan, nahaharap na sa balag ng alanganin ang tauhan nito na si CG Ensign Alain Anthony Agpalo.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Kumalat ang video ni Agpalo matapos i-post ng "X Vlogs" dahil sa walang habas na pagmamaneho ng motorsiklo na may engine displacement na 148cc (cubic centimeters).

Nauna nang sinabi ng Land Transportation Office (LTO), ang mga motorsiklong may engine displacement na mababa sa 400cc ay ipinagbabawal na pumasok sa expressway alinsunod sa Republic Act 2000 (Limited Access Facility Act).

Naglabas na rin ng kautusan ang LTO na nag-oobliga kay Agpalo na sumipot sa pagdinig nito ngayong Lunes, Enero 8 kung saan pinagpapaliwanag kung bakit hindi siya dapat kasuhan ng reckless driving, ayon kay Gavan.

Nais din ng LTO na makuha ang panig ni Agpalo kung bakit hindi dapat suspindihin o bawiin ang driver's license nito.

"We assure the public that we will cooperate with the LTO investigation. We will also conduct a parallel investigation and sanction CG Ensign Agpalo based on the evidence. Here in the Philippine Coast Guard, we do not tolerate officers or personnel violating existing laws and regulations implemented by other agencies. They must face the consequences of their actions," pagdidiin pa ni Gavan.