Nagbigay ng pahayag si TV5 news anchor Gretchen Ho tungkol sa kasal ng dati niyang jowang si Robi Domingo.

Matatandaang nito lang Enero 6 ay ikinasal na si Robi sa kaniyang long time partner na si Maiqui Pineda sa pamamagitan ng isang pribado at intimate church wedding.

MAKI-BALITA: Robi Domingo at Maiqui Pineda, mag-asawa na

Sa X post kasi ng isang netizen nitong Linggo, Enero 8, ibinahagi niya ang screenshot ng isang quote mula sa Instagram story ni Gretchen at nalulungkot daw siya para sa news anchor.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bukod pa rito, pabiro rin niyang inalok ng tagay si Gretchen sa kaniyang naunang post na kalakip ang video clip mula sa kasal nina Robi at Maiqui.

“Saw her story sa IG. Well, i guess true talaga ang taxi cab theory,” sey naman ng isang netizen.

Pero agad namang nilinaw ni Gretchen ang tungkol sa bagay na ito. Aniya, tungkol daw sa “career realizations” ang quote na nasa kaniyang IG story.

“My post on my IG stories was about some career realizations. I was off-grid for most of the day (camping) so I didn’t really know,” saad niya. 

Dagdag pa niya: “Re: wedding, I am very and completely happy for Robi and Maiqui! 😊 We are good friends! 🤍”

Umabot sa tatlong taon ang relasyon nina Robi at Gretchen bago nila ito napagpasyahang tapusin noong Marso 2017.