Naging usap-usapan ang pamamaalam ng aktres na si Love Poe sa “FPJ’s Batang Quiapo” kamakailan.

Sa isang episode kasi ng naturang teleserye ay sinalo ni Mokang, karakter na ginagampanan ni Lovi, ang bala na mula sa baril ni Olga (Irma Adlawan) na kay Tanggol (Coco Martin) sana tatama.

Dahil dito, tuluyan nang natodas ang karakter ni Lovi sa serye. 

MAKI-BALITA: Lovi Poe, namaalam na sa Batang Quiapo

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Pero ano nga ba ang dahilan kung bakit tinapos na ni Lovi ang papel na ginagampanan niya sa buhay ni Tanggol?

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Enero 7, tinalakay ni showbiz insider Ogie Diaz ang tungkol sa bagay na ito.

“Nabalitaan ko lang naman, Loi, na since di ba nag-asawa na siya. Parang gusto naman ni Lovi Poe na planuhin ‘yung kaniyang buhay. Kasi nga, medyo hindi nga niya napaplano na,” saad ni Ogie.

“Siguro kay Lovi Poe din parang ‘mas kailangan ako ng asawa ako’. At mas kailangan nang bumuo ng pamilya siguro para sa kaniya. Kasi siyempre ilang taon na rin si Mokang. Siguro nangangarap na rin siyang maging nanay,” aniya.

Dagdag pa ni Ogie, ang paggawa naman daw kasi ng mga proyekto gaya ng teleserye ay nandyan lang.

“Pero alam mo ba, kung ‘yun ang rason talaga ni Mokang, valid naman ‘yun. Saka anyway, nandyan naman si Ivana Alawi para mag-provide ng romance at ng kilig with Coco,” sabi pa niya. 

Matatandaang pansamantala ring nawala ang karakter ni Lovi sa “Batang Quiapo” noong mag-fous siya sa kasal nila ng jowa niyang afam na si Monty Blencowe sa Europe. 

MAKI-BALITA: Lovi Poe exit daw muna sa ‘Batang Quiapo’ para sa kasal