Nag-deploy ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng 400 sundalo upang tumulong sa security operations para sa Pista ng Itim na Nazareno sa Martes, Enero 9.

Ito ang kinumpirma ni AFP-Public Affairs head Col. Xerxes Trinidad nitong Lunes, Enero 8, makaraang tiyakin ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, Jr. na nakatutok ang militar sa kaligtasan ng milyun-milyong debatong dadalo sa prusisyon.

Sisimulan ang Traslacion sa Quirino Grandstand sa Luneta Park pabalik ng Quiapo Church.

Ipinakalat ng Joint Task Force-National Capital Region (JTF-NCR) sa pamamagitan ng Naval Task Group NCR ang Quick Response Forces (QRFs), Explosive and Ordnance Disposal (EOD) at K9 teams; communications team, at Overt at Covert Security Teams.

National

‘Julian,’ mas lumakas pa; Signal No. 3, itinaas na

Ang mga naturang sundalo ay nakakalat na sa Nazarene Catholic School Quiapo, Maynila.

Idinagdag din pa ni Brawner na naka-standby din ang mga medical at search, rescue and retrieval (SRR) teams ng AFP.