Nasa 2.6 milyong kilo ng basura sa buong bansa ang nahakot ng pamahalaan mula nang ilunsad ang programa nitong Kalinga at Inisyatiba Para Sa Malinis na Bayan (KALINISAN) kamakailan.

Sa social media post ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Lunes, nakolekta ang nasabing basura dahil sa pakikipagtulungan ng mahigit 9,000 barangay sa buong bansa.

Nitong Linggo, ipinakita ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa publiko ang 2,646,948 kilo ng basurang nakolekta mula sa 9,189 barangay.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Lumahok sa clean-up drive ang 580,000 indibidwal, kasama ang 109,939 local officials, ayon sa PCO.

Kabilang sa sumali sa programa ang Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon (Region 4A), Mimaropa (Region 4B), Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, National Capital Region at Cordillera Administrative Region (CAR).

Layunin ng programang inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Enero 5, na ipakita ang diwa ng pagboboluntaryo para sa mas ligtas at malusog na mga komunidad.