Aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng ₱3.049 bilyon para sa pagsasaayos at rehabilitasyon ng mga school building sa elementarya at sekondarya sa bansa, ayon sa pahayag ni DBM Secretary Amenah Pangandaman nitong Lunes.

Pagdidiin ni Pangandaman, layunin ng pamahalaan na mapaigting pa ang kalidad ng edukasyon sa bansa at mabigyan din ang mga mag-aaral ng kinakailangang kagamitan.

“It has always been our goal to improve the quality of education that we can provide to every Filipino and empower them with the necessary tools to improve his or her quality of life. This coming 2024, we will continue investing in education,” anang kalihim.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Mahigpit aniya ang bilin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na bigyan ng disente at komportableng pasilidad ang mga mag-aaral na Pinoy.

"Sa pagdating ng Bagong Pilipinas, hindi po tayo basta mamimili lang ng mga lugar. Nasa Maynila ka man o sa malayong probinsya, gagawin natin ang lahat upang maisaayos ang lahat education facilities sa bansa,” dagdag pa ni Pangandaman.