Ibinahagi ng Viva Films ang patikim na larawan ng first look sa kauna-unahang pagsasama sa pelikula nina Aga Muhlach at Julia Barretto sa pelikula.

May pamagat itong "Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko" na ipalalabas sa Pebrero 7, 2024, sa mga sinehan.

Grabe si Aga dahil kahit sa edad niya ngayon, talagang puwede pa siyang i-partner sa younger stars kagaya ni Julia.

Tila sumusunod naman daw sa yapak ng kaniyang Tita Claudine Barretto si Julia dahil kung matatandaan, naging leading man na rin ni Clau si Aga sa Star Cinema movie "Kailangan Kita" noong 2002.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

At hindi lamang si Claudine kundi nagkaroon ng ugnayan noon sa pagitan nina Aga at isa pang tita ni Julia na si Gretchen Barretto.

Narito naman ang ilan sa mga positibong reaksiyon at komento ng netizens.

"Excited na ako sa movie nila."

",well deserved👏❤️ she is like Claudine of this generation great actress with class with daring scenes but not malaswa just really a professional actor."

"Wow, iba pa rin talaga si Aga. Go!!"

"Nice, excited na ako."

Kung may mga excited na, may ilan namang nagsabing sa dami ng puwedeng i-partner kay Aga o kay Julia, sana naman daw ay ka-same age bracket na lang.

"bakit 20+ yrs age gap ang laging pairing?"

"Her Tita was partnered with him before now siya naman… I get that sometimes films consider it like an art but this is kind of 😬"

"Parang mag-lolo na."

"Nakakasuka."

"Kaya ang daming DOMs eh."

"Can they stop partnering LOLOS and APOS…. 🤮🤮🤮🤮"

"kala ko vivamax!lolz."

"Weird. This world is SICK & PERVERTED."

Baka naman depende sa takbo ng kuwento kaya ganito ang pairing? Abangan na lamang ang pelikula sa Pebrero sa mga sinehan.