Naging emosyunal ang aktres at TV host na si Carmina Villarroel nang magbigay siya ng mensahe sa 23rd birthday ng kambal na anak nila ni Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy Legaspi sa programang "Sarap 'Di Ba?" nitong Sabado, Enero 6.

Mas lalong naging emosyunal si Mina para kay Mavy na lately ay naookray na "mama's boy at "oversized toddler" dahil sa pangingialam daw niya bilang nanay sa love life ng anak.

Makahulugan ang mga binitiwang pahayag ni Carmina lalo na sa usaping pag-ibig ng mga anak, especially kay Mavy na napababalitang hiwalay na kay Kyline Alcantara.

Aniya, boto raw siya sa sinumang liligaw sa anak o liligawan ng anak subalit sana raw ay "marespeto" ang taong iyon.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

“Saka pag nakita ko na respectful 'yong tao na 'yon... 'yong totoo, ha? Iyong genuine, very sincere. Hindi ako naghahanap ng perpekto, pero 'yong may respeto sa lahat ng tao," makahulugang pahayag ni Carmina.

At nang magbigay na siya ng mensahe kay Mavy, sinabi ni Mina na pinag-isipan niyang mabuti ang mga sasabihin dahil baka bigyan na naman daw ng kulay ng marami.

"I'm trying to be careful kasi baka lagyan ng ibig sabihin ang mga sasabihin ko. I don't want to overthink. Tatay and I are just happy that you're back. You know that I've been quiet for the past... how many years? Hindi ko alam kung bakit sinasabi nilang nangingialam ako. But I don't care because I am your mother."

Tila hint naman ang mga sumunod na litanya ni Carmina sa dahilan ng pagsasaulian ng kandila nina Mavy at Kyline.

“Kung nakialam ako, hindi mangyayari ito. So, it only means na hindi ako nakialam. So that's why I'm so thankful because... that you're back... and I want you to know, the two of you, that I would do everything and anything para sa inyong dalawa... Hindi ko lang kayang pumatay! But I would really defend you sa abot ng makakaya ko.”

Napaiyak na nang tuluyan ang mag-ina dahil sa makabagbag-damdaming litanya ni Carmina.

Sey pa ni Mina, hindi sila ni Zoren ang kontrabida sa buhay nila.

"I love you so much and tandaan n'yo lang na nandito kami ni Tatay para sa inyo. We always want what is best for you, guys. Hindi kami mga kontrabida ng buhay n'yo, kakampi n'yo kami.”

Kung may mas nasasaktan daw kapag tinitira o pinupuntirya ng intriga ang kambal, sila iyon ni Zoren, of course, bilang mga magulang nila.

"Kasi hindi naman po kami palaaway. Ayaw namin 'yon. Gusto lang namin ng peace and love sa lahat. So, 'yon lang, happy birthday, guys. I love you."

MAKI-BALITA: Carmina sa mga pintas na pakialamerang nanay siya: ‘I don’t care because I’m your mother’

Matatandaang noong 2023 ay wala pang kumpirmasyon mula kina Mavy at Kyline Alcantara kung totoo ba ang tungkol sa hiwalayan nila.

Bagama't wala pang kumpirmasyon, pinag-usapan naman ang tila parinigan sa social media nina Mina at Kyline.

MAKI-BALITA: Carmina at Kyline ‘quiet’ at ‘peaceful’ lang ang bardahan?

MAKI-BALITA: Carmina may mensahe sa kambal; reaksiyon sa Mavy-Kyline breakup rumors?

So kung sinasabi ni Carmina na gusto niya ng taong marespeto para sa mga anak, ito ba ang puno't dulo ng tensyon sa pagitan nila ni Kyline, at posible ring dahilan ng break-up?

Although si Cassy ay may mabuting "espesyal na ugnayan" kay Kapamilya singer-actor Darren Espanto, mukhang okay naman si Mina sa huli.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kyline tungkol dito.