Ibinahagi ni Kapamilya star Richard Gutierrez na sa bansang Japan niya sinalubong ang Bagong Taon, ayon sa kaniyang Instagram post noong Enero 2, 2024.

Kalakip ng IG post ang ilang mga kuhang larawan niya habang naka-pose suot ang black leather jacket na may brown shirt na pang-ilalim.

"Welcoming 2024 from Tokyo🇯🇵," ani Richard sa kaniyang caption.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"Love the jacket," komento pa rito ng kambal na si Raymond Gutierrez.

Ngunit isang netizen naman ang tila nagpasaring kay Chard.

"nagpaalam ka ba sa nanay mo na mag pipicture ka?" anang basher.

Photo courtesy: Richard Gutierrez (IG)

Mismong kapwa netizen ang bumarda sa nabanggit na detractor.

"lol korni"

"Alam mo umay ng yan joke mo pero sige na lang kasi mahirap baguhin ang ganyang utak"

"Ikaw ang Di napalaki ng nanay mo pok pok , mag comment ka ng Di maganda expect mo na may sasagot sayo ng Di maganda gunggong"

Ngunit bukod dito, hindi rin tinantanan ng iba pang netizens si Chard tungkol sa kanilang dalawa ng misis na si Sarah Lahbati.

"Masarap sa pakiramdam pag buo ang family."

"welcoming 2024 with your wife and kids would be more beautiful and memorable,, 😊"

"Dapat pinaglaban at pinagtanggol mo si sarah against the tirades of your mother"

"Ano ba mas matimbang? Ur mother or the mother of ur kids? Peace! Welcome 2024."

Samantala, pinag-usapan din ang kaniyang Instagram story tungkol sa past, present, at future.