Mapapanood na sa mga sinehan sa darating na Enero 31 si Toni Gonzaga-Soriano dahil sa pelikulang "My Sassy Girl" na Philippine adaptation ng South Korean movie na kapareho ang pamagat.

Makakatambal for the first time ni Toni ang komedyanteng si Pepe Herrera.

Ang nag-produce nito ay Viva Films at ang nagdirehe ay si Fifth Solomon.

"Mark your calendars dahil mapapanood mo na ang #MySassyGirlPH this January 31!" mababasa sa Instagram post ng Viva Films.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"This is the Philippine adaptation of the most beloved South Korean romantic comedy film, ‘MY SASSY GIRL’. Starring Toni Gonzaga and Pepe Herrera. Directed by Fifth Solomon."

Sa comment section ay marami naman ang nagwi-wish na sana ay mailabas na rin ang trailer nito, dahil 2021 pa nagsimula ang shooting nito hanggang sa magbuntis at manganak na nga si Toni sa pangalawang anak nila ni Direk Paul Soriano.

Ito ang comeback movie ni Toni matapos makapanganak. Matatandaang ang huling pelikula niya ay "My Teacher" na opisyal na kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival kasama si Joey De Leon.