Hindi na mapapanood pa sa “Luis Listens” ang bahagi ng panayam kay Claudine Barretto tungkol sa dati niyang asawang si Raymart Santiago.

In-edit na kasi ang nasabing video at tinanggal na ang parte kung saan nagbigay ng detalye si Claudine kaugnay sa nakabinbing kaso nila ni Raymart.

Kaya kapag muling bibisitahin, naka-focus na lang mostly ang panayam sa mga kuwento ni Claudine tungkol kay Vilma Santos.

Matatandaang naging magkatrabaho sina Vilma at Claudine sa pelikulang “Anak” ni Rory Quintos kaya naman naging malapit sila sa isa’t isa. 

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sa katunayan, nilapitan pa raw ni Claudine si Vilma noong down na down siya sa buhay.

Pero matapos ma-upload sa YouTube ang video, naglabas ng pahayag ang panig ni Raymart laban sa kontrobersiyal na panayam.

“We will not address, dignify, or respond to any statements made by Ms. Barretto regarding our client, for doing so is a breach of the Gag Order issued by the Honorable Court where the parties’ case for nullity of marriage is undergoing trial,” saad ng abogado ni Raymart.

MAKI-BALI-BALITA: Abogado ni Raymart, nagsalita kontra panayam ni Claudine kay Luis

Samantala, inulan naman ng batikos si Vilma dahil daw sa maling interpretasyon sa naging payo niya kay Claudine.

MAKI-BALITA: Abogado ni Raymart, nagsalita kontra panayam ni Claudine kay Luis