Muling nagsama ang mag-ex couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kasal ng kaibigang si Robi Domingo sa fiancee nitong si Maiqui Pineda nitong Sabado, Enero 6.

Naganap ang kasalan sa Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador sa Bulacan.

Ang mga dumalo sa kanilang kasalan ay mga kapamilya, ilang mga kaibigan sa personal at maging sa mundo ng showbiz, kabilang na si Magandang Buhay host Melai Cantiveros, na kasama rin ni Robi sa Pinoy Big Brother at It's Your Lucky Day.

Siyempre, imbitado rin ang mga boss ni Robi sa ABS-CBN gaya nina Ilan sa mga principal sponsors sa kasal nina Robi at Maiqui ay CEO at President Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes at Star Magic head Direk Lauren Dyogi.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sa mga celebrity naman, bukod kay Melai ay present ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, celebrity doctor Vicki Belo, Piolo Pascual, groomsmen sina Donny Pangilinan at Darren Espanto, at ang mag-ex na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nagsilbing candle bearers naman.

MAKI-BALITA: Robi Domingo at Maiqui Pineda, mag-asawa na

Marami naman ang kinilig sa muling pagsasama ng KathNiel kahit sa mga ganitong event.

Matatandaang matapos ang kumpirmasyon ng hiwalayan ay muling naispatang magkasama ang dalawa sa kanilang performance sa naganap na ABS-CBN Christmas Special 2023.

MAKI-BALITA: KathNiel ‘nagkabalikan’ sa ABS-CBN Christmas Special 2023

Hopia naman ang KathNiel fans na sana raw ay magkaroon pa ng second chance sa dalawa.

Ngunit agad na itong iwinasiwas ni Kathryn matapos niyang mag-post ng "No looking back, only moving forward."

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo: ‘No looking back, only moving forward’

Anyway marami naman ang nakapansin sa new hairstyle ni Daniel na bumagay raw sa aktor.