Todo-bantay ang Philippine Coast Guard (PCG) sa aircraft carrier ng United States na USS Carl Vinson habang ito ay nakadaong sa karagatang bahagi ng Maynila para sa apat na araw na pagbisita sa bansa, mula Enero 5-9.

Sa pahayag ng PCG, 24 oras ang pag-iikot ng dalawang barko ng Philippine Navy na kinabibilangan ng BRP Malapascua, at BRP Boracay at rubber bat ng Coast Guard-Special Operations Force (CGSOF), sa bisinidad ng pinagdaugan ng nasabing barko.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Bago bumisita sa Pilipinas ang nasabing aircraft carrier, nagsagawa muna ito ng pagsasanay sa South China Sea, kasama ang mga tauhan ng Philippine Navy habang binabantayan sila ng mga barko ng People's Liberation Army Navy (PLAN) ng China nitong Enero 3.

Ang USS Carl Vinson ay ikalawa sa pinakamalaking aircraft carrier sa buong mundo at kayang magsakay ng 60 assault fighter plane, helicopter at iba pang sasakyang panghimpapawid.