Hindi na napigilan ni Carmina Villaroel na maging emosyunal nang magbigay siya ng mensahe sa 23rd birthday ng kaniyang anak na si Mavy Legaspi sa programang "Sarap 'Di Ba?" nitong Sabado, Enero 6.

Bukod kay Mavy, dahil nga kambal, 23rd birthday rin ni Cassy Legaspi subalit mas emosyunal si Mina kay Mavy.

Naging emo si Mina nang magbigay siya ng pahayag patungkol sa usaping love life ng mga anak.

Matatandaang naokray si Mavy dahil sa pagiging "mama's boy" daw kay Carmina.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Aniya, boto raw siya sa sinumang liligaw sa anak o liligawan ng anak subalit sana raw ay "marespeto" ang taong iyon.

“Saka pag nakita ko na respectful 'yong tao na 'yon... 'yong totoo, ha? Iyong genuine, very sincere. Hindi ako naghahanap ng perpekto, pero 'yong may respeto sa lahat ng tao," makahulugang pahayag ni Carmina.

At nang magbigay na siya ng mensahe kay Mavy, sinabi ni Mina na pinag-isipan niyang mabuti ang mga sasabihin dahil baka bigyan na naman daw ng kulay ng marami.

"I'm trying to be careful kasi baka lagyan ng ibig sabihin ang mga sasabihin ko. I don't want to overthink. Tatay and I are just happy that you're back. You know that I've been quiet for the past... how many years? Hindi ko alam kung bakit sinasabi nilang nangingialam ako. But I don't care because I am your mother."

“Kung nakialam ako, hindi mangyayari ito. So, it only means na hindi ako nakialam. So that's why I'm so thankful because... that you're back... and I want you to know, the two of you, that I would do everything and anything para sa inyong dalawa... Hindi ko lang kayang pumatay! But I would really defend you sa abot ng makakaya ko.”

Napaiyak na nang tuluyan ang mag-ina dahil sa makabagbag-damdaming litanya ni Carmina.

Matatandaang noong 2023 ay wala pang kumpirmasyon mula kina Mavy at Kyline Alcantara kung totoo ba ang tungkol sa hiwalayan nila.

MAKI-BALITA: Carmina may mensahe sa kambal; reaksiyon sa Mavy-Kyline breakup rumors?

Bagama't wala pang kumpirmasyon, pinag-usapan naman ang tila parinigan sa social media nina Mina at Kyline.

MAKI-BALITA: Carmina at Kyline ‘quiet’ at ‘peaceful’ lang ang bardahan?

So kung sinasabi ni Carmina na gusto niya ng taong marespeto para sa mga anak, ito ba ang puno't dulo ng tensyon sa pagitan nila ni Kyline, at posible ring dahilan ng break-up?

Although si Cassy ay may mabuting "espesyal na ugnayan" kay Kapamilya singer-actor Darren Espanto, mukhang okay naman si Mina sa huli.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kyline tungkol dito.