Marami raw ang nakakitang ibang customers kina Richard Gutierrez at Barbie Imperial na magkasama sa isang gastropub sa Alabang, Muntinlupa kahapon ng Sabado ng gabi, Enero 6.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP published nitong Linggo, Enero 7, nakarating sa kaalaman nila ang tungkol dito matapos kumalat ang video na kuha ng ilang customers na nakakita sa kanila.

Nagkasama sina Richard at Barbie sa "FPJ's Ang Probinsyano" at pagkatapos niyon ay wala nang proyektong pinagsamahan ang dalawa, kaya nagtataka ang mga netizen kung paano sila naging close sa isa't isa.

Ito ang unang beses na nakita si Richard na may kasamang ibang babae, sa kasagsagan ng isyu ng hiwalayan nila ng misis na si Sarah Lahbati.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sabi pa raw ng source ng PEP, "bantay-sarado" ni Richard si Barbie at makikita raw sa gesture ni Chard ang pagiging maginoo nito nang alalayan si Barbie patungong palikuran.

Ang huling celebrity na naisyu kay Richard dahil magkasama sila sa iisang area ay si "Abot Kamay na Pangarap" cast member Kazel Kinouchi.

Ngunit habang nagla-live selling ay pinabulaanan ni Kazel ang mga intriga at sinabing magkapitbahay lang sila ni Richard at walang kahit na anong relasyong namamagitan sa kanila.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Richard at Barbie tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.