Pinagsisihan na raw ng dating child actor at Gawad Urian Best Actor na si Jiro Manio ang kaniyang mga pagkakamali noong bata-bata pa siya.

Sa panayam ng TV Patrol sa kaniya, sinabi ni Jiro na kasalukuyan pa rin siyang volunteer sa isang rehabilitation center sa Bataan. Nagsisi na siya sa mga pagkakamaling nagawa niya kaugnay ng bisyo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot noon, na naging dahilan din kung bakit unti-unti ay nawala sa limelight ang mahusay na aktor.

Naging laman ng balita ang dating child actor hindi dahil sa bagong proyekto, kundi dahil sa pagsadya niya sa vlogger-negosyante na si Boss Toyo ng "Pinoy Pawnstars" para ipagbenta ang kaniyang natanggap na tropeo sa prestihiyosong Gawad Urian.

Nanalo ng "Best Actor" si Jiro sa kaniyang murang edad dahil sa pelikulang "Magnifico" noong 2004.

Eleksyon

SP Chiz sa pagtakbo ni Quiboloy bilang senador: ‘Karapatan niya ‘yon!’

Nang tanungin siya ni Boss Toyo kung magkano niya ibinebenta ang tropeo, sinabi niyang ₱500k daw.

Ngunit tila napaisip naman si Boss Toyo. Kung siya lang daw ang masusunod, ibibigay niya ang presyuhan ni Jiro subalit tila sinasabi ni Boss Toyo na pagdating sa negosyo, kailangan daw niyang maging praktikal.

₱50k ang unang alok ni Boss Toyo, subalit tila nadehado rito si Jiro kaya itinaas niya ng ₱100k.

Humirit pa si Boss Toyo ng ₱60k hanggang ₱70k, hanggang sa nagsara sila sa deal na ₱75k dahil sinabi ni Boss Toyo na last price na raw ito.

Sa panayam ng TV Patrol kay Jiro, bukod sa gusto niyang makita sa museo ng mga tao ang kaniyang tropeo, ang totoong dahilan daw ng pagbebenta niya sa tropeo ay dahil sa hirap ng buhay.

"Naunawaan din naman ako ng mga tao, siguro, kung bakit ko pinatago kay Boss Toyo 'yong trophy, siguro dala na rin ng hirap ng buhay. Siguro maiintindihan din ako ng mga tao na kailangan ko rin, may mga pangangailangan din ako," anang Jiro.

"Kung anoman 'yong mga naging pagkakamali ko noon ay pinagsisihan ko na. At higit sa lahat, nakakilala ako sa Diyos.

Sa ngayon daw ay kuntento si Jiro sa kaniyang pribadong buhay at malayo sa ingay ng mundo ng showbiz, kaya malabo raw na mapanood siya sa isang proyekto sa telebisyon man o pelikula.

Subalit inilapit naman ng mga netizen si Jiro kay Coco Martin na baka puwede itong bigyan ng another chance sa kaniyang seryeng "FPJ's Batang Quiapo," kagaya ng ginagawa niya sa iba pang artistang nawala na sa limelight.

MAKI-BALITA: Coco Martin kinakalampag ng netizens dahil kay Jiro Manio

MAKI-BALITA: Dating child star Jiro Manio, ibinenta ang tropeo ng Urian kay Boss Toyo

MAKI-BALITA: Jiro Manio no choice na, ibinenta Urian trophy dahil sa hirap ng buhay