Nagsalita ang bagong jowa ni Andrew Schimmers na si Dimps Greenvilla tungkol sa tsikang matagal na raw siyang pinagseselosan ng namayapang misis ng aktor na si Jho Rivero

MAKI-BALITA: Misis ni Andrew Schimmer, pumanaw na

Sa Facebook post ni Dimps nitong Biyernes, Enero 5, pinabulaanan niya na matagal raw silang magkakilala ni Andrew.

“Ang fake news lang ‘yun magkakilala na kami 2022. Hindi po! Hula lang ‘yun. ‘Wag n’yo na palalain ‘yung hula,” saad ni Dimps.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Ma-post akong tao mula noon at ngayon since nasa socmed ang business ko. Wala pa man si Andrew, araw-araw ng bukas ang buhay ko sa wall ko,” aniya.

Pahabol pa niya: “Walang Andrew na nag-eexist noong 2022 sa buhay ko...🙂 kulit 🤜🤜🤜”

Matatandaang kamakailan lang ay isinapubliko ni Andrew ang relasyon niya kay Dimps makalipas ang isang taong pagpanaw ni Jho.

MAKI-BALITA: ‘You restored me!’ Andrew Schimmer may bagong jowa na

Kasabay nito, lumutang ang bali-balitang si Dimps daw ang babaeng dating pinagseselosan ng asawa ni Andrew.

MAKI-BALITA: Bagong jowa ni Andrew Schimmer, dating pinagselosan ng yumaong misis?