433 winners, mauulit? ₱607M jackpot sa Grand Lotto draw, wala pa ring nanalo
Wala pa ring nanalo sa mahigit ₱607 milyong jackpot sa isinagawang draw ng Grand Lotto 6/55 nitong Sabado ng gabi.
Paglilinaw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), wala pa ring nakahula sa winning combination nito na 16-47-23-40-54-06.
Dahil dito, inihayag ng PCSO na tataas pa ang magiging jackpot sa susunod na draw ng Grand Lotto.
Sa nasabing lotto game, nasa ₱607,174,874.400 ang jackpot nito, ayon sa PCSO.
Binobola ang Grand Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.
Noong Oktubre 1, 2022, naging kontrobersyal ang isinagawang Grand Lotto 6/55 draw dahil sabay-sabay na nanalo ang 433 mananaya na naghati-hati sa premyong aabot sa ₱236 milyon.