Tila hindi na nagugustuhan ni Rendon Labador ang mga inaasta ng kapuwa ni social media personality na si Xian Gaza.

Sa post kasi ng isang online news platform kamakailan, makikita ang komento ni Rendon tungkol sa patutsada ni Xian kay Alex Gonzaga--ibinahagi rin ito mismo ng social media personality sa kaniyang social media account.

“Minsan sumusobra na rin talaga si Xian Gaza sa pakikialam. Kaniya-kaniyang trip lang ‘yan,” saad ni Rendon.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Baka gusto lang ni Alex dalhin ‘yung culture ng Thailand dito sa Pinas. Respeto, Alex!” aniya.

Dagdag pa ni Rendon: “Tingin ko sinabay na ni Alex ang pag-ayos ng ugali sa pagpapaayos din ng ilong niya.”

Matatandaan kasing napagdiskitahan kamakailan ni Xian ang ilong ni Alex ilang linggo matapos nitong ibida ang kaniyang pagpapa-nose job na matagal na raw nitong naiisip gawin.

MAKI-BALITA: Xian Gaza, may patutsada sa ilong ni Alex Gonzaga

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Xian sa banat na ito sa kaniya ni Rendon.